P6,000 clothing allowance para sa teaching at non-teaching employees ng DepEd matatanggap na ngayong buwan
Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na matatanggap ng mga teaching at non-teaching employees ang kanilang clothing allowance para sa School Year 2021-2022.
Ayon kay Education Secretary Leonor Magtolis Briones ipamamahagi ang naturang allowance ngayong buwan ng Abril.
“We are truly committed to providing every necessary need of the teachers amid the COVID-19 pandemic. The Department always recognizes our teachers’ efforts and sacrifices to make sure that learners will be able to continue their education,” ani Briones.
Batay sa Financial Report ni DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla at sa ilalim ng DepEd Memo No. 16 na may titulong “Guidelines on the New DepEd National Uniform for Teaching and Non-Teaching Personnel”, ang clothing allowance ay aabot sa P6,000.
Ang bagong at opisyal na disenyo ng bagong set ng uniforms para sa teaching at non-teaching personnel sa SY 2021-2022 ay nakasaad din sa inilabas na memo.
Hindi rin magiging mahigpit ang DepEd sa mga guro na gagamit pa din ng lumang uniporme nila.
“In consideration with the current crisis and the continuing implementation of the blended learning delivery and alternative working arrangements, SY 2021-2022 shall be considered a ‘transition period’,” ayon kay Usec. Sevilla.