Pagtatayo ng modular facilities at tent para sa severe at critical COVID-19 cases pinamamadali ni Sen. Go

Pagtatayo ng modular facilities at tent para sa severe at critical COVID-19 cases pinamamadali ni Sen. Go

Pinamamadali ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagtatayo at pagpapalawig sa mga modular facilities at tent na mayroong ICU beds para sa mga pasyente ng COVID-19.

Umapela si Go bilang chairman ng Senate Committee on Health sa mga ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor na madaliin ang pagtatayo ng dagdag na COVID-19 isolation facilites.

Sa ngayon sinabi ni Go na tuluy-tuloy naman ang hakbangin ng gobyerno para madagdagan ang isolation facilities para sa mild at moderate COVID-19 cases.

Gayunman, tumataas na rin aniya ang pangangailangan sa pasilidad para sa mga pasyenteng nasa severe at kritikal ang kondisyon.

Payo ni Go sa gobyerno tukuyin agad ang mga lugar kung saan maaring makapagtayo ng modular facilities at tents na mayroong ICU beds.

Kailangan aniyang madaliin ito para mabawasan ang waiting time ng mga pasyente na nangangailangang ma-admit sa ospital.

“Nakakaawa po ‘yung mga kababayan nating naghihingalo na tapos wala pang mahanap na ospital. Buhay po ang nakasalalay sa bawat minutong pag-aantay makakuha lang ng ospital, kama, at doktor para maalagaan sila,” ayon kay Go.

Pinasalamatan naman ni Go ang bayanihan efforts ng mga nurse sa Visayas na nagsabing handa silang mai-deploy sa ‘NCR Plus’ areas para tumulong.

Apela ni Go sa iba pang health workers sa ibang bahagi ng bansa na mababa lamang ang kaso ng COVID-19 na boluntaryo ding tumulong sa mga critical areas.

“Bawat isa sa atin ay may tungkulin sa kapwa, sa ating komunidad, at sa ating bayan. Lahat tayo ay dapat maging bahagi ng solusyon. Laging tandaan na ang ating kooperasyon, bayanihan, at malasakit sa kapwa ay makapagliligtas ng buhay ng kapwa nating Pilipino,” dagdag pa ng senador.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *