COVID-19 vaccination para sa mga mayroong comorbidity isasagawa bukas sa Caloocan City
Isasagawa bukas, April 5 ang mass vaccination para sa mga indbidwal na mayroong comorbidity sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan, ang mga maaring magpabakuna ay ang mga edad 18 hanggang 59 na mayroong comorbidity o iyong mga nasa A3 Category.
Ang mga comorbidities na pasok sa A3 category ay ang mga sumusunod:
•Chronic Respiratory Disease
•Hypertension
•Cardiovascular Disease
•Chronic Kidney Disease
•Cerebrovascular Accident
•Malignancy
•Diabetes
•Obesity
•Neurologic Disease
•Chronic Liver Disease
•Tuberculosis
•Chronic Respiratory Tract Infection
•Immunodeficiency State
•OTHERS (upon doctor’s consultation and recommendation)
Pinapayuhan ang mga magpapabakuna na magdala ng sariling ballpen, dalhin ang PhilHealth ID (kung mayroon), magdala ng proof of comorbidity tulad ng medical certificate mula sa iyong doktor na inisyu sa loob ng nakalipas na 18 buwan; medicine prescription sa nakalipas na anim na buwan; hospital records tulad ng discharge summary at medical abstract o; surgical records at pathology reports at magsuot ng facemask at face shield.
Isasagawa ang pagbabakuna bukas, araw ng Lunes sa sumusunod na mga vebue:
VENUE 1: East Bagong Barrio Elementary School
BARANGAYS: 156, 157
VENUE 2: Baesa Elementary School
BARANGAYS: 158, 159, 160, 161
VENUE 3: Central Elementary School
BARANGAYS: 1, 2, 3, 5, 9, 13, 15, 17, 19, 80
VENUE 4: Libis Talisay Elementary School
BARANGAY: 8
VENUE 5: Maypajo High School
BARANGAYS: 26, 30, 31, 34, 35
VENUE 6: UCC South Campus
BARANGAYS: 92, 93, 94, 95, 96, 97, 98, 99, 100, 101, 102, 105
VENUE 7: Llano Elementary School
BARANGAY: 167
VENUE 8: Antonio Luna Elementary School
BARANGAY: 171
VENUE 9: Camarin High School
BARANGAY: 174
VENUE 10: Camarin Area D Elementary School
BARANGAY: 178A
Venue 11: NHC High School
BARANGAY: 184
VENUE 12: Bagong Silang Elementary School
BARANGAY: Phase 1 and Phase 4
Sa isasagawang pagbabauna ay prayoridad ang mga sumailalim sa profiling via online o sa mga health centers.
Para sa online profiling, maaaring bisitahin ang link na: bit.ly/profilingcalv2
Nagtalaga naman ng fast lane ang Lungsod ng Caloocan para sa mga nasa kategoryang A1 o mga aktibong medical at healthcare workers sa isinasagawang mass vaccination.