Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice nagpositibo sa COVID-19
Positibo sa COVID-19 si Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice.
Inanunsyo ito ni Erice walong araw mula nang siya ay sumailalim sa quarantine.
Ayon kay Erice, isasara muna ang kanilang district office dahil sa pagdami ng bilang ng mga staff na tinamaan ng sakit.
Sinabi ni Erice na mild symptoms lamang ang kaniyang nararanasan.
“You can still message me though if you think I can do something for you my beloved constituents,” ayon sa kongresista.