Paggunita sa Semana Santa idinaan sa social media ng maraming Katoliko
Nakapagtala ng mataas na datapoints ang salitang Holy Week o Mahal na araw mula March 21, 2021 hanggang March 30, 2021.
Ayon sa research and campaign firm na Bluprint.Ph batay sa kanilang ginawang Sentiment Analysis sa Facebook posts, umabot sa 2.7 million datapoints ang naitala para sa salitang Holy Week o Mahal na Araw.
Kabilang dito ang mga shares, likes, comments at reactions mula sa 10,490 public posts sa Facebook.
Ayon kay Eero Brillantes, Chief Executive Officer ng BluePrint.PH, sumasalamin ito sa matibay na pananampalataya ng mga Katolikong Fiipino na nagpapatatag sa kanila ngayong mayroong pandemya ng COVID-19.
“While Catholic church are closed in arease where ECQ is being enforced , Filipinos express their strong Catholic faith, celebrate Holy Week by hearing online mass, ,and share Christian inspirational posts on social media,” ayon kaky Brillantes.
Ang Quiapo Church ang nanguna sa 50 influencers sa “Holy Week” topic, matapos makakuha ng 37,635 engagement score sa kanilang walong Facebook posts.
Nakapagtala din ng mataas na score ang mga Catholic page sa Facebook kabilang ang “100% Katolikong Pinoy”, “Father Rocky”, at “Hugot Semanrista” na pawang nasa ikatlo, ikaapat at ikapitong pwesto.
Ang “Manila Tytana Colleges” ang nasa ikalawang pwesto matapos ang makakuha ng 36,400 engagements ang post nito kaugnay sa class suspension para sa Holy Week.
Ang Holy Week related posts ng media sites na ay nakakuha din ng mataas na engagements gaya ng Philippine Star at ABS-CBN.
Ang Filipino health influencer na si Doc Willie Ong ay nasa pangwalong pwesto habang ang WHO Philippines ang nasa pang-siyam.