88 empleyado ng DFA nagpositibo sa COVID-19

88 empleyado ng DFA nagpositibo sa COVID-19

Dumarami na rin ang mga empleyado ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinatamaan ng COVID-19.

Ayon sa abiso ng DFA, dahil dito, mananatili ang pagpapatupad ng reduced workforce sa kanilang tanggapan.

Sa isinagawa kasing COVID-19 testings sa DFA ngayong buwan ng Marso, tumaas ang bilang ng mga empleyado na nagpositibo sa sakit.

Ayon sa DFA, ngayong March 2021, nakapagtala ang ahensya ng 88 positive cases na karamihan ay frontline personnel ng ahensya.

Ayon sa DFA, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga nagpositibo sa sakit simula nang magkaroon ng pandemya sa bansa.

Kaugnay nito ay humingi ng pang-unawa ang ahensya sa publiko sa posibilidad ng pagkakaroon ng closures at delays sa kanilang sebisyo.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *