Customs nagbabala sa posibleng paglaganap ng pekeng COVID-19 vaccine
Nagbabala ang Bureau of Customs sa publiko sa paglaganap ng pekeng COVID-19.
Ayon sa BOC, dahil sa mahigpit na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyaking hindi makalulusot na makapasok sa bansa ang mga pekeng bakuna ay maaring dito ito sa bansa gawina t ipalaganap.
Paalala ng BOC sa publiko tiyaking sa government-accredited hospitals at clinics lamang magpapabakuna.
Hiniling din ng BOC sa publiko na ireport ang mga hindi otorisadong pagbebenta, pagpapakalat, at pagtuturok ng COVID-19 vaccines.
Samantala, sinabi ng BOC na 5 shipments na ng COVID-19 vaccines na mayroong mahigit 2.5 million doses ng Sinovac at AstraZeneca vaccines ang kanilang nabigyan ng clearance at nai-release ng ahensya.