San Miguel Corporation mamamahagi ng pagkain sa mga pamilyang apektado ng lockdown sa NCR Plus
Inihahanda na ng San Miguel Corporation ang tulong para sa mga pamilyang apektado ng lockdown sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.
Ayon kay San Miguel Corp. President at COO Ramon Ang, tinatayang 19,500 na pamilya ang pagkakalooban ng ready-to-eat food packs.
Dagdag ito sa mga donasyong de lata at 148,000 packs ng nutribuns na naunang ipinamigay ng San Miguel Corp.
“We hope this will help families living mostly on daily wages and struggling to put food on their table,” ayon kay Ang.
Tiniyak ni Ang na sa kabila ng nararanasang pandemya ay magpapatuloy ang team ng kumpanya sa pagtulong sa mga nangangailangan.