Prime Minister ng Slovakia nagbitiw sa pwesto dahil sa palpak na pagtugon sa krisis ng COVID-19
Nagbitiw sa pwesto si Slovakia Prime Minister Igor Matovic.
Si Matovic ang kauna-unahang pinakamataas na lider sa mundo na nagbitiw dahil sa kontrobersiya sa pagtugon sa krisis ng COVID-19.
Noong katapusan ng Pebrero, isang Slovakian military jet ang dumating sa Slovakia lulan ang 2 million doses ng Sputnik V COVID-19 galing Russia.
Pero ayon sa matatatas na opisyal ng Slovakia, hindi sumailalim sa clearance ng European regulators ang pagbili ng mga bakuna ni Matovic.
Noong Linggo inunsyo ni Matovic na magbibitiw na siya sa pwesto.
Bago ang kaniyang pagbibitiw ay nagbitiw n rin sa kani-kanilang pwesto ang health, economic, justice, education, and at affairs ministers ng Slovakia.