Mahigit 22,000 frontline workers, senior citizens at mga mayroong comorbidities nabakunahan na sa Maynila

Mahigit 22,000 frontline workers, senior citizens at mga mayroong comorbidities nabakunahan na sa Maynila

Umabot na sa 22,340 na frontline workers, senior citizens at individuals with comorbidities ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Noong Martes, March 30 umabot 4,531 ang bilang ng nabakunahan sa maghapon.

Sa nasabing bilang, 4,031 nabakunahan na A2 senior citizens gamit ang AstraZeneca vaccine.

320 naman ang na A3 (18-59 y/0 persons with comorbidities) ang nabakunahan ng unang dose ng Sinovac.

At mayroong 131 na medical frontliners ang nabakunahan na ng second dose.

Patuloy naman ang paghihikayat ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga indibidwal na kabilang sa priority sectors na magpabakuna lalo na’t limitado pa ang bilang ng COVID-19 vaccines na dumarating sa bansa.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *