86 percent ng medical staff ng Caloocan City Medical Center nais magpabakuna kontra COVID-19

86 percent ng medical staff ng Caloocan City Medical Center nais magpabakuna kontra COVID-19

Nasa 86 porsyento na ng medical staff ng Caloocan City Medical Center (CCMC) ang nais magpabakuna.

Ito ang inihayag ni CCMC Administrator Dr. Fernando Santos kay Mayor Oca Malapitan matapos ang isinagawang vaccination rollout noong Biyernes.

Mula sa inisyal na 149 health workers na pumayag magpabakuna ng Sinovac vaccine, ngayon ay umabot na sa 395 ang nais magpabakuna sa CCMC.

Ito ay may kabuuang 457 health workers.

Nasa 105 hospital staff ang natapos bakunahan noong Biyernes na pinangunahan mismo ni Dr. Santos at ni City Health Officer Dra. Evelyn Cuevas.

Ayon kay Dr. Santos, wala naman naitalang nakaramdam ng adverse effects sa mga nabakunahan.

Inaasahan din na darating ngayong araw ang hiniling na dagdag na doses ng Sinovac vaccine mula sa Department of Health, matapos ang ibinigay nitong inisyal na 300 doses noong Huwebes.

Nagpapasalamat naman si Malapitan sa mga doktor, nurse at sa lahat ng kawani ng ospital na nagpabakuna kontra Covid-19.

“Nalulugod tayo sapagkat nadagdagan ang bilang ng mga nais magpabakuna sa CCMC. Inaasahan natin na lahat ay magpapabakuna na ngayong nakita nila na ligtas ang bakuna,” ayon sa alkalde.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *