Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho umabot sa 4.2 million noong Pebrero 2020

Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho umabot sa 4.2 million noong Pebrero 2020

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho batay sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa buwan ng Pebrero 2021.

Sa virtual press conference, sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa, na ang bilang ng mga unemployed persons ay 4.2 million para sa buwan ng Pebrero.

Mas mataas kumpara sa 4 million na naitala noong Enero 2021.

Nangangahulugan ito ng 8.8 percent na unemployment rate.

Nakapagtala naman ng 43.2 million na mayroong trabaho o katumbas ng 91.2 percent na employment rate.

Mas mataas kumpara sa 41.2 million noong January 2021.

Samantala, sinabi ni Mapa na nakapagtala naman ng 7.9 million o 18.2 percent na underemployed sa bansa para sa buwan ng Pebrero.

Tumaas din ito kumpara sa 6.6 million lamang noong Enero.

Ang limang pangunahing industrya na nakapagtala ng largest drop sa kanilang employment ay ang mga sumusunod:

– Accommodation and food service activities
– Administrative and support service activities
– Construction
– Mining and quarrying
– electricity, gas, steam and air conditioning supply

Ayon sa survey ng PSA, 9.1 million na indbidwal ang nagsabing sila ay na-lay off sa trabaho pansamantala o permanente sa pagitan ng March 2020 hanggang February 2021.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *