P1,000 na halaga ng tulong sa bawat indibidwal na naapektuhan ng ECQ sa NCR Plus inaprubahan ni Pangulong Duterte

P1,000 na halaga ng tulong sa bawat indibidwal na naapektuhan ng ECQ sa NCR Plus inaprubahan ni Pangulong Duterte

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng tulong sa aabot sa 22.9 million na mahihirap sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan na naapektuhan ng pag-iral muli ng enhanced community quarantine.

Ayon kay Budget Secretary Wendell Avisado, 22.9 million low-income individuals ang makatatanggap ng P1,000 in kind sa ilalim ng programa.

Ire-release ng DBM ang budget direkta sa mga LGU para sa pamamahagi.

Batay sa panukala na inilatag ng DBM sa pulong ng IATF kasama si Pangulong Duterte Lunes (March 29) ng gabi, 11.2 million na katao ang makatatanggap ng tulong sa NCR; 2 milyong katao sa Bulacan; 3.4 million sa Cavite’; 2.7 million sa Laguna at 2.6 million sa Rizal.

Ang populasyon na makatatanggap ng benipisyo ay 80 percent ng mga residente sa NCR Plus.

Ang tulong ayon kay Pangulong Duterte ay dapat matanggap ng mga benepisyaryo sa unang linggo ng Abril.

Bagaman per individual ang pamimigay ng ayuda, hindi naman dapat lumagpas sa P4,000 ang matanggap ng isang pamilya.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *