Tuguegarao City muling isasailalim sa ECQ sa loob ng 10 araw

Tuguegarao City muling isasailalim sa ECQ sa loob ng 10 araw

Muling sasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Tuguegarao City.

Dahil ito sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Inaprubahan ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) ang rekomendasyon ng pamahalaang lungsod na muling magpatupad ng mahigpit na quarantine status sa lungsod.

Ayon sa Tuguegarao City Information Office, ang pag-iral ng ECQ ay simula alas 12:01 ng madaling araw bukas, March 30 hanggang alas 12:00 ng hatinggabi sa April 8.

Batay sa pinakahuling datos, sampung barangay sa lungsod ang may mataas na kaso ng COVID-19.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *