Ehersisyo gaya ng jogging, biking, walking papayagan sa pag-iral ng ECQ
Maaring makapag-ehersisyo sa mga lugar na sakop ng pag-iral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga ay papayagan ang pag-eehersisyo gaya ng jogging, biking, at iba pang kahalintulad.
Pero payo ng palasyo, gawin lamang ito sa bisinidad ng tahanan o kaya ay sa loob lang ng komunidad.
Bawal aniyang gawin ang pag-eehersisyo sa mga parke.
Ayon naman kay MMDA General Manager Jojo Garcia, pwede ang pag-eehersisyo basta’t huwag nang lumayo o tumawid sa ibang lugar.
Gaya na lamang ng pagbibisikleta, maari aniya itong gawin sa loob ng komunidad, pero hindi pwedeng magbisikleta patungo sa malalayong lugar.