DOLE nagpalabas ng pay rules para sa apat na holidays ngayong Abril

DOLE nagpalabas ng pay rules para sa apat na holidays ngayong Abril

Nagpalabas ng holiday pay rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa gugunitaing apat na holidays sa bansa ngayong buwan ng Abril.

Ayon sa inilabas na labor advisory ng DOLE, ang April 1 (Huwebes Santo), April 2 (Biyernes Santo) at April 9 (Araw ng Kagitingan) ay pawang regular holidays.

Sa nasabing mga petsa, tatanggap pa din ng 100 percent ng kaniyang sweldo ang empleyado kahit hindi pumasok sa trabaho.

Kung papasok naman sa trabaho sa nasabing mga petsa ay tatanggap ng 200 percent ng kaniyang basic pay ang empleyado.

Kung lalagpas ng walong oras ang trabaho, babayaran pa siya ng 30 percent ng kaniyang hourly rate para sa bawat oras ng pag-overtime.

Samantala, ang April 3 (Black Saturday) ay deklarado namang special non working day.

Sa nasabing petsa ay iiral ang no work no pay ayon sa DOLE.

Kung papasok naman sa trabaho ang empleyado sa nasabing petsa ay tatanggap siya ng 130 percent na sweldo para sa unang walong oras.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *