85 percent ng frontline health workers sa Valenzuela nabakunahan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine

85 percent ng frontline health workers sa Valenzuela nabakunahan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine

Umabot na sa 85 percent ng frontline health workers sa Valenzuela City ang nabakunahan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine mula sa Department of Health (DOH).

Bahagi sila ng priority group A1.

Ayon sa Valenzuela City LGU, 4,571 ang bilang ng eligible frontline health workers para sa bakuna.

3,886 sa kanila ang tumanggap na ng unang dose ng bakuna at 49 naman ang tumanggap na ng 2nd dose.

Para naman sa private medical practitioners na hindi pa nakakapagpabakuna, maari pang magparehistro sa https://valtrace.appcase.net upang makakuha ng vaccination appointment.

Ngayong buwan, sisimulan na ang pagbabakuna sa mga resdiente ng Valenzuela City na mayroong comorbidities o may isa o higit pang karamdamanan.

Isusunod na A3 dahil ang bakuna na available ay Sinovac mula sa DOH na hindi pa advisable ibigay sa mga senior citizen.

Simula April 5 hanggang 9, 2021, ay ipapamahagi na house-to-house ang vaccination appointment letters sa mga taga Valenzuela na may comorbidities na rehistrado na sa #VCVax at eligible nang makakuha ng COVID-19 vaccine.

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *