Pagbabakuna sa mga senior citizen sa Maynila nagsimula na

Pagbabakuna sa mga senior citizen sa Maynila nagsimula na

Inumpisahan na ang rollout ng bakuna para sa mga senior citizen sa lungsod ng Maynila.

Upang maging madali at mas episyente ang proseso ng pagpapabakuna sa kanila, ang Manila Health Department ang magtutungo sa mga barangay kung saan naroroon ang ating mga pre-registered senior citizen.

Pinangunahan naman ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna ang pagbabakuna sa mga senior citizen sa Brgy. 163, District 2 sa Tondo, Maynila.

Gamit ang bakuna ng AsteZenaca, si Lacuna mismo ang nagturok sa isa sa mga senior citizen.

Samantala, sa Brgy. 73 isang 62 anyos na lolo na mayroong co-morbidity ang nabakunahan na din.

Ang mga nabakunahan ngayong araw ay pawang pre-registered.

Paalala ng lokal na pamahalaan, maaari nang mag pre-register sa http://www.manilacovid19vaccine.com

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *