Paggamit ng quarantine pass paiiralin sa Maynila sa panahon ng pag-iral ng ECQ

Paggamit ng quarantine pass paiiralin sa Maynila sa panahon ng pag-iral ng ECQ

Muling paiiralin ang paggamit ng quarantine pass sa mga barangay sa lungsod ng Maynila.

Kasunod ito ng pagsasailalim sa enhanced community quarantine sa buong Metro Manila, at mga kalapit na lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal simula March 29 hanggang April 4.

Sa inilabas na memorandum ni Manila Barangay Bureau (MBB) chief Romeo S. Bagay, inaatasan ang mga barangay chairman sa lungsod na mag-isyu ng Quarantine Pass sa kanilang constituents.

Isang quarantine pass lamang dapat ang ibibigay sa kada pamilya.

Ang holder ng quarantine passes ay pwede lamang lumabas sa oras ng itinakdang schedule batay sa control numbers ng pass.

Susundin ang ODD-EVEN SCHEME para sa schedule.

ODD NUMBERS – Kung odd numbers ang control number ng quarantine pass (1, 3, 7, 9, and so on) papayagan silang lumabas ng Lunes, Miyerkules, at Biyernes mula 5AM hanggang 6PM gayundin kapag Linggo mula 5AM hanggang 11AM.

EVEN NUMBERS – Kung ang control number ng quarantine pass ahy even numbers (2, 4, 6, 8, 10, and so on) pwede silang lumabas ng Martes, Huwebes, at Sabado mula 5AM hanggang 6PM at Linggo mula 12NOON hanggang 6PM.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *