COVID-19 vaccine recipient sa Thailand pumanaw 10-araw matapos mabakunahan
Pinakakalma ng mga health official sa Thailand ang publiko matapos masawi ang isang lalaki, 10 araw makaraaan siyang tumanggap ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa isang health official, ang dahilan ng pagkasawi ng lalaki ay abdominal aortic aneurysm (AAA) at rupture.
Nabakunahan ang lalaki noong March 3 at pumanaw noong March 13.
Ayon sa opisyal, walang kaugnayan sa bakuna ang pagkasawi ng lalaki.
Ang lalaki ay mayroong pre-existing condition at sumailalim sa operasyon noong Enero.