84 percent ng fire at jail officers payag mabakunahan kontra COVID-19

84 percent ng fire at jail officers payag mabakunahan kontra COVID-19

Malaking bilang ng mga fire at jail officers ang payag na mabakunahan kontra COVID-19.

Sa exit poll na isinagawa sa Vaccination Town Hall Meeting ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), 84% ng mga fire at jail officers sa Luzon ang nagsabing handa silang mabakuhan laban sa COVID-19.

12% ang sumagot na hindi sila tiyak at 4% ang nagsabing hindi sila magpapabakuna.

Kasabay nito hinamon ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan E. Malaya, ang mga senior officer ng BFP at BJMP na maging halimbawa sa sa kanilang mga tauhan sa pagtanggap ng COVID-19 vaccines.

“Inaasahan natin na ating mga kasamahang bumbero at jail officers na maging aktibong kabahagi natin sa ating kampanya para mabakunahan ang 75-milyong adult Filipinos sa ating bansa,” ayon kay Malaya.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *