Active cases ng COVID-19 sa QC mahigit 7,800 na
Nagkaroon pa ng mahigit 700 na bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 43,559 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ng Biyernes, March 26.
Samantala, nasa 7,873 o katumbas ng 18.1 percent ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
34,297 o 79.9 percent ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 889 o 2 percent ang nasawi.