14,819 healthcare workers sa QC nabakunahan na
Umabot na sa 14,819 ang nabakunahang healthcare workers sa Quezon City.
Sa inilabas na update ng Quezon City LGU, 1,100 ang nabakunahan na healthcare workers mula sa QCGH.
Nasa 6,815 naman ang nabakunahan sa mga level 1 at level 2 Public and Private Hospitals.
Patuloy pa pagbabakuna sa anim na vaccination sites sa lungsod kabilang ang mga sumusunod:
District 1: Esteban Abada Elementary School
District 2: Batasan Hills National High School
District 3: Emilio Aguinaldo Elementary School
District 4: Pinyahan Elementary School
District 5: Kaligayahan Activity Center
District 6: Placido del Mundo Elementary School
Para sa mga nais na magpabakuna, magparehistro lamang sa https://app.ezconsult.io/signup kung kasama sa A1 priority group (medical and non-medical personnel working in medical facilities).