DILG sa mga local government officials: Huwag nating unahan sa bakuna ang mga medical frontliner

DILG sa mga local government officials: Huwag nating unahan sa bakuna ang mga medical frontliner

Pinayuhan ng Department of Interior and Local Government ang mga gobernador, mayor at iba pang local government officials na huwag unahan sa pagpapabakuna ang mga medical frontliner.

Payo ito ng DILG kasunod ng pagpapabakuna ng ilang alkalde kontra COVID-19.

Ayon kay DILG officer-in-charge Usec. Bernardo Florece Jr., dapat istriktong sundin ang priority list ng Department of Health (DOH) sa pagbabakuna.

Kailangan aniyang mabakunahan muna ang lahat ng medical frontliners para matiyak ang proteksyon sa health care system ng bansa.

Ang mga alkalde na napaulat na nagpabakuna na kontra COVID-19 ay pinadalhan na ng show cause order ng DILG.

Hinihintay na lamang ng ahensya ang kanilang sagot.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *