BREAKING: Mahigit 8,700 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; panibagong record-high mula nang magkaroon ng pandemya sa bansa
Muling nakapagtala ng panibagong record-high sa daily cases ng COVID-19 sa bansa.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ng Huwebes (March 25), umabot na sa 693,048 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 8,773 ang dagdag na mga kaso.
Pinakamataas ito na single-day increase simula nang magkaroon ng pandemya.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 580,062 ang gumaling o katumbas ng 83.7 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 574 na gumaling.
99,891 naman ang active cases o katumbas ng 14.4 percent.
95 percent ng mga aktibong kaso ay mild lamang ang sintomas, 3 percent ang asyptomatic, 0.8 percet ang kritikal at 0.8 percent ang severe.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 56 pang pumanaw sa sakit.
13,095 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.89 percent.