Pagbabakuna sa mga medical frontliner sa San Mateo, Rizal inumpisahan na

Pagbabakuna sa mga medical frontliner sa San Mateo, Rizal inumpisahan na

Nagsimula na ang pagbabakuna sa mga local medical frontliners ng San Mateo, Rizal.

Alinsunod sa panuntunan ng IATF, unang binakunahan ang mga medical frontliners ng Lokal na Pamahalaan.

Naibigay na rin ang mga COVID-19 vaccine allocation para sa mga frontliners sa lahat ng pribadong ospital sa ating Bayan.

Kasamang babakunahan ang mga doktor, nurses, midwifes, Barangay Health Workers, lalo na ang mga nagsasagawa ng ating Covid-19 testing at mga kawani ng Municipal Health Office.

Sa pagsasagawa ng San Mateo Covid-19 Vaccination Program, binigyang-diin ni San Mateo Mayor Tina Diaz na kailangang magpabakuna laban sa Covid-19.

Ayon kay Diaz, kailangang magpabakuna dahil ito ang magbibigay ng proteksyon sa mga mahal sa buhay.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *