Stations personnel itinalaga sa MRT-3 para bantayan ang maintenance at disinfection sa mga tren

Stations personnel itinalaga sa MRT-3 para bantayan ang maintenance at disinfection sa mga tren

Nagtalaga ang pamunuan ng MRT-3 ng stations personnel bilang supervisor na tagapagtiyak na nasusunod ang tamang cleaning protocols sa maintenance at disinfection ng mga tren sa mga dulong istasyon ng North Avenue at Taft Avenue.

Sinisiguro ng mga supervisor na nakasusunod sa health at safety protocols ang mga tren bago bumiyahe, bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng MRT-3 laban sa pagkalat ng COVID-19.

Ang regular na pagdidisinfect ay kabilang sa “7 Commandments” na mahigpit na ipinatutupad ng rail line, ayon sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan.

Kamakailan ay nag-viral sa social media ang video ng mga tauhan ng MRT-3 na tila hindi sineseryoso ang pagsasagawa ng disinfection sa mga tren.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *