Dagdag na 400,000 pang doses ng Sinovac vaccine na donasyon ng China, dumating sa bansa

Dagdag na 400,000 pang doses ng Sinovac vaccine na donasyon ng China, dumating sa bansa

Dumating na sa bansa ang dagdag na 400,000 na doses ng Sinovac vaccine na CoronaVac na galing sa China.

Ang nasabing mga bakuna ay lulan ng Philippine Airlines na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Miyerkules (March 24) ng umaga.

Ilang opisyal ng gobyerno ang personal na sinalubong ang mga dumating na bakuna.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na malaking tulong ang pagdating ng mga karagdagang bakuna at babakunahan sa lalong madaling panahon ang mas marami pang high-risk individuals.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *