SSS nagpatupad ng 50 percent capacity sa operasyon ng main office at mga tanggapan sa NCR
Dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, nagpatupad ang SSS ng 50 percent capacity sa operasyon ng kanilang main office sa Quezon City, SSS Makati Building at sa lahat ng NCR Branches.
Sakop din nito ang mga branch ng SSS sa Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal bilang pagtalima sa resolusyon ng IATF na nagpapatupad ng mas mahigpit na GCQ sa naturang mga lugar.
Ayon sa abiso ng SSS, hanggang March 31, ipagbabawal ang pagtangggap ng walk-in visitors sa SSS main office at Makati offices.
Ang walk-in transactions sa ilalim ng Branch Number Coding ay papayagan lamang para sa mga sumusunod:
– Payment ng kontribusyon at loans
– Compliance sa SS Number Applications sa pamamagitan ng SSS Web
– Pick-up ng UMID Card
– Presentation ng original documents para sa claim application
– Paggamit ng E-Center Facility
– at iba pang justifiable reasons
Pinapayuhan ang mga miyembro ng SSS na isagawa ang mga transaksyon sa pamamagitan ng digital platforms.