Mayor Alfred Romualdez, kauna-unahang local chief executive sa bansa na tumanggap ng bakuna kontra COVID-19

Mayor Alfred Romualdez, kauna-unahang local chief executive sa bansa na tumanggap ng bakuna kontra COVID-19

Si Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban ang kauna-unahang local chief executive sa bansa na nabakunahan ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Tumanggap si Romualdez ng bakuna ng Sinovac sa ilalim ng national vaccination program ng gobyerno.

Ayon kay Romualdez, nagpasya siyang magpabakuna kontra COVID-19 para maipakita sa mamamayan na hindi dapat matakot magpabakuna.

Sumailalim muna sa screening at assessment si Romualdez at nang siya ay makapasa ay binigyan na siya ng bakuna.

“Because everyone was scared and everyone was waiting for me. So I did it to lead my people out of fear. And I’m glad they responded positively! NEVER say that I did it to save myself before others. I did it to make the people see that it was okay to get the vaccine. I wanted our people to take it for protection, and so that the efforts of the national government will not be in vain,” ayon kay Romualdez.

Si Romualdez ay isang COVID-19 survivor.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *