Limang lugar sa San Mateo, Rizal nakasailalim sa granular lockdown
Sasailalim sa labingapat na araw na granular lockdown ang limang mga lugar sa San Mateo, Rizal.
Sa bisa ng Executive Order No. 7 series of 2021 ni Mayor Tina Diaz iniutos na maisailalim sa granular lockdown ang mga sumusunod na lugar:
1. Sumulong Street, Barangay Guinayang;
2. P. Del Rosario Street, Barangay Dulong Bayan 1;
3. Leal Street, Barangay Guitnang Bayan 1;
4. Scorpio Street, Bancom, Barangay Gulod Malaya;
5. Lower Magnolia Street, Barangay Sto. NiƱo
Ang pag-iral ng lockdown ay hanggang sa April 4, 2021.