PAL magsasakay lang ng ‘essential travelers’ sa ilalim ng mas mahigpit na GCQ ng IATF

PAL magsasakay lang ng ‘essential travelers’ sa ilalim ng mas mahigpit na GCQ ng IATF

Tanging essential travelers lamang ang isasakay ng Philippine Airlines kasunod ng utos ng Inter-Agency Task Force on the Management of Infectious Diseases (IATF) na nagpapatupad ng mas mahigpit na General Community Quarantine sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan hanggang April 4.

Ayon sa abiso ng PAL, mga pasaherong bibiyahe para sa non-leisure purposes mula Manila lamang patungo sa domestic stations ang kanilang isasakay.

Ang mga domestic leisure travelers na nauna nang nakapagpa-book at apektado ng restrictions ay maaring pumili sa sumusunod na opsyon:

1. Convert your ticket to a Travel Voucher (request until June 30, 2021)
2. Avail of unlimited rebooking (no rebooking fee) until December 31, 2021. If you will be completing your travel in the same booking class by June 30, 2021 (or ticket validity, whichever comes first), there will be no fare difference charge.
3. Refund your ticket without penalties.

Maaring ipadala ang request sa myPAL Request Hub sa https://mypal.vip/url/RequestHub.

Kung kasalukuya namang nasa bakasyon na at kailangang umuwi pabalik ng Metro Manila, ang PAL ay mag-ooperate pa din ng mga biyahe pabalik ng Manila para sa returning leisure travelers.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *