Ynares Hospital sa Montalban, Rizal lilimitahan ang pagtanggap ng pasyente sa OPD
Lilimtahan muna ang pagtanggap ng pasyente sa Out Patient Department (OPD) ng Ynares Hospital sa Montalban, Rizal.
Sa abiso ng naturang ospital, simula March 23 araw ng Martes ay limitado sa hanggang 20 pasyente lang ang tatanggapin para makapagpakonsulta sa OPD.
Sa mga pasyente na nangangailangan ng agarang atensyong medikal, maaring magtungo sa Emergecy Room ng ospital.
Ang oras ng konsultasyon para sa pedia, surgery, at OB Gyne ay alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali mula Lunes hanggang Biyernes.
Para naman sa adult medicine ay ala 1:00 ng hapon hanggang alas 4:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.