Dating VP Binay: Stop blaming the people
Binatikos ni dating Vice President Jejomar Binay ang paggamit ng salitang “bubble” ng gobyerno sa pagpapatupad ng mas mahigpit na General Community Quarantine sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan.
Sa kaniyang post sa Twitter, ayon kay Binay, bakit kailangan pang tawaging “bubble” gayonog ang realidad naman ay maituturing na itong lockdown.
Ayaw lang aniya gamitin ng gobyerno ang salitang “lockdown” dahil mistulang pagtanggap ito ng kanilang kabiguan, kapabayaan at kawalang kakayahan sa ginagawang pagtugon sa pandemya.
Apela ni Binay sa pamahalaan, itigil ang pagsisi sa mga mamamayan.