Caritas Manila sa Pandacan isinailalim sa lockdown; Exec. Dir. na si Fr. Anton Pascual nagpositibo sa COVID-19
Isinailalim sa lockdown ang Caritas Manila sa Pandacan, Maynila hanggang March 28, 2021.
Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 si Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton Pascual at iba pang mga opisyal at staff ng Caritas Manila.
Ayon sa Church-run radio station na Veritas News, si Fr. Pascual ay naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center.
Sa kasagsagan ng pandemya si Fr. Pascual ay aktibo sa pangunguna sa mga proyekto ng Caritas upang maasistihan ang mga naapektuhan ng lockdown.
Kabilang dito ang pamamahagi ng COVID-19 kits, 1.5 billion pesos “Gift Certificates” at Caritas Manna Packs sa 6 na milyong indbidwal.
Nagpatuloy din ang Caritas Manila sa pagsuporta sa kanilang mga scholar mula sa iba’t ibang dioceses sa bansa.