LOOK: CJ Peralta dinaluhan ang huling flag raising ceremony bilang SC chief justice

LOOK: CJ Peralta dinaluhan ang huling flag raising ceremony bilang SC chief justice

Dumalo sa flag raising ceremony sa Korte Suprema si Supreme Court Chief Justice Diosdado M. Peralta.

Ito ang huling flag ceremony na dadaluhan ni Peralta bilang Chief Justice bago ang kaniyang opisyal na pagreretiro.

Mayorya ng mga opisyal at staff ng SC ay dumalo sa sa seremonya sa pamamagitan ng online.

Sa kaniyang mensahe, naging emosyonal si Peralta at sinabing nalulungkot siya sa paglisan sa SC na naging ikalawang tahanan niya sa nakalipas na 12 taon.

Binanggit ni Peralta ang mga naipatupad nilang safety measures sa Korte Suprema at sa lahat ng mga korte sa buong bansa para masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado at mga nakikipagtransaksyon sa korte.

Napatunayan aniya ng SC na kahit ang pandemya ay hindi mapipigilan ang hudikatura na magampanan ang kanilang tungkulin.

Habang tinutugunan aniya ang lahat ng judicial concerns ay naprotektahan din ang kanilang mga empleyado at ang publiko.

Inalala ni Peralta ang kaniyang 10-point program sa hudikatura na kaniyang ipinangako nang sya ay maging punong mahistrado.

Aniya halos lahat ng 10 items na ito ay nakamit na.

Hanggang Biyernes, March 26 ay sinabi ni Peralta na maari pa siyang makausap at mapuntahan sa kaniyang opisina basta’t susundin lamang ng tama ang umiiral na health protocols.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *