Mga tauhan ng Manila DRRMO, contact tracers, social workers, BJMP personnel at BHERTS babakunahan na rin kontra COVID-19

Mga tauhan ng Manila DRRMO, contact tracers, social workers, BJMP personnel at BHERTS babakunahan na rin kontra COVID-19

Itutuloy ngayong araw March 22 ang pagpapabakuna kontra COVID-19 para sa mga priority sectors sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Manila City Health Officer Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, target ng Pamahalaang Lungsod na makapagbakuna ng 2,152 individuals. 2,000 sa kanila ay mababakunahan ng AstraZeneca vaccines sa Ospital ng Maynila Medical Center habang 152 naman ang makatatanggap ng Sinovac vaccines sa Sta. Ana Hospital.

Kasunod ito ng pagdating ng karagdagang 3,930 doses ng AstraZeneca at 308 doses ng Sinovac vaccines mula sa pamahalaang nasyunal.

Bukod naman sa medical frontliners, mababakunahan na rin sa Maynila ang ilang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office personnel, contact tracers, social workers, mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTS) at BJMP personnel.

Hinihikayat naman ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na magpabakuna ang mga indibidwal na kabilang sa priority sectors.

Aniya, dagdag proteksyon ito para sa kanila at sa komunidad na kanilang kinabibilangan.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *