16 pang barangay sa Maynila isasailalim sa lockdown
Ipinag-utos ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang pagsasailalim sa lockdown sa 16 pang mga barangay sa lungsod sa loob ng apat na araw.
Ayon sa alkalde, ang mga barangay ay idineklarang na “critical zones” sa bisa ng Executive Order No. 11 dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Simula alas 12:01 ng madaling araw ng Miyerkules (March 24) hanggang alas 11:59 ng Sabado ng March 27 iiral ang lockdown sa mga sumusunod na barangay:
—Barangay 1
—Barangay 50
—Barangay 106
—Barangay 109
—Barangay 184
—Barangay 192
—Barangay 209
—Barangay 296
—Barangay 493
—Barangay 515
—Barangay 586
—Barangay 636
—Barangay 669
—Barangay 790
—Barangay 883
—Barangay 875
Habang umiiral ang lockdown, ang Manila Health Department (MHD) made ay magsasagawa ng disease surveillance at massive contact tracing activities.
Lahat ng residente sa nasabing mga barangay ay istriktong dapat na manatili lang sa kanilang mga bahay habang umiiral ang lockdown.
Exempted naman ang mga sumusunod:
—health workers
—military personnel
—service workers (pharmacies, drug stores, and funeral homes), utility workers (energy, cable, internet, telecommunication companies, water, sanitation, and critical transport facilities including port operation)
—essential workers (goods delivery, food delivery, banking and money services)
—barangay officials (Chairpersons, Barangay Secretary, Barangay Treasurers, Kagawads, and Executive Officers)
—media practitioners accredited by the Presidential Communications Operations Office and the Inter-Agency Task Force
Ayon kay Moreno, itinaas na ang bed capacity sa quarantine facility ng lungsod sa Dormitels.PH sa G. Tuazon, T.M. Kalaw.