3 pang Pinoy sa ibang bansa nagpositibo sa COVID-19
Nadagdagan ng 3 pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.
Sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) araw ng Linggo, March 21, wala namang naitalang karagdagan na gumaling o pumanaw sa sakit.
Sa kabuuan ayon sa DFA, 15,970 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19.
Sa naturang bilang, 9,691 na ang gumaling habang 5,232 pa ang sumasailalim sa gamutan.
Nananatili naman sa 1,047 ang bilang ng mga nasawing Pinoy sa ibang bansa dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 ay sa Middle East / Africa na umabot sa 8,882.
Sumunod ang Asia Pacific Region na mayroong 2,989 cases.