Frontliners ng QCDRRMO tumanggap na ng bakuna kontra COVID-19
Inumpisahan nang pabakunahan kontra COVID-19 ang mga frontliner sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO).
Ang pagbabakuna ay ginawa sa mga frontliner ng QCDRRMO gamit ang COVID-19 vaccine ng Sinovac at AstraZeneca.
Ayon sa QC LGU, layunin nitong mabigyan ng karagdagdagang proteksyon ang mga essential worker ng lungsod.
Ito ay para masiguro na sila ay protektado mula COVID-19 virus habang sila ay rumeresponde sa komunidad.