Mahigit 200 barko ng China namataan sa West Philippine Sea

Mahigit 200 barko ng China namataan sa West Philippine Sea

Aabot sa 220 na Chinese Maritime Militia (CMM) Vessels ang namataan sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

Ito ang kumpirmadong ulat na natanggap ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) mula sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa NTF-WPS, ang 220 Chinese Fishing Vessels (CFVs), na pinaniniwalaang may lulang mga Chinese maritime militia personnel ay nakitang nakahelera sa Julian Felipe Reef (Whitsun Reef) noong March 7, 2021.

Ang Juan Felipe Reef ay nasa northeast na bahagi ng Pagkakaisa Banks and Reefs (Union Reefs), o sa layong 175 Nautical Miles west ng Bataraza, Palawan.

Ito ay nasa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) at Continental Shelf (CS), at tanging ang Pilipinas ang mayroong ekslusibong karapatan sa anumang resources nito gaya ng mga isda, at non-living resources gaya ng langis at natural gas.

Batay sa mga larawang kuha, sinabi ng National Task Force na kahit araw ay nakabukas ang full white lights ng mga barko ng China.

Nakababahala ang insidenteng ito ayon sa NTF-WPS dahil sa posibleng magkaroon ng overfishing at pagkasira ng marine environment sa lugar.

Tinyak ng NTF na magpapatuloy ang pagbabantay ng gobyerno sa sitwasyon at pagprotekta sa Philippine sovereignty at sovereign rights ng maritime domain ng bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *