Pagsusuot ng face mask sa loob ng bahay inirekomenda ng DOH kasunod ng pagdami ng kaso ng COVID-19

Pagsusuot ng face mask sa loob ng bahay inirekomenda ng DOH kasunod ng pagdami ng kaso ng COVID-19

Dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 na naitala noong Sabado (March 20) umapela ang Department of Health sa publiko na striktong sundin ang minimum public health standards.

Sa inilabas na abiso ng DOH, hinikayat nito ang publiko na manatili lamang sa loob ng bahay at iwasan muna ang lahat ng non-essential travel.

Ipinayo din ng DOH ang pagsusot ng face mask sa loob ng bahay. Ayon sa DOH, kailangang magsuot ng face masks sa lahat ng oras lalo na kung hindi nag-iisa sa loob ng bahay.

Tiyakin ang pagkakaroon ng sapat na air circulation sa bahay sa pamamagitan ng pagbubukas ng bintana.

Kung may mararanasang sintomas, agad magpatingin at makipag-ugnayan sa Barangay Health Emergency Response Teams.

Magtungo sa isolation facilities sa halip na sa ospital kung mild lamang ang nararanasang sintomas.

Ang naitalang COVID-19 cases noong Sabado ang highest single day case sa bansa mula nang magkaroon ng pandemya ng sakit.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *