WATCH: Mapang-abusong singil ng mga punerarya sa mga biktima ng road crashes pinahihinto ng isang grupo

WATCH: Mapang-abusong singil ng mga punerarya sa mga biktima ng road crashes pinahihinto ng isang grupo

Umapela ang Laywers for Commuters Safety and Protection sa mga may-ari ng punerarya na ihinto ang mapang-abusong singil.

Apela ni Atty. Ariel Inton, founder at pangulo ng Lawyers for Commuters Safety & Protection sa mga may-ari ng mga punerarya na itigil ang mataas na singil sa mga kaanak ng mga nabibiktima ng road crashes o sakuna sa lansangan.

Ginawa ni Atty. Inton ang pahayag matapos makarating sa kanyang kaalaman ang aniya’y labis-labis na paniningil ng isang punerarya sa pamilya ng isang motorcycle rider na nakaladkad ng tanker truck sa kahabaan ng Mindanao Avenue sa Quezon City kamakailan.

Umabot kasi ng P200,000 ang sinisingil ng isang punerarya sa kaanak ng nasawi kaya doble dagok sa kanila ang pagtubos sa katawan ng namayapang anak.

Bagaman aibaba naman ang singil at pumayag sa P110,000 pesos ang punerarya mataas pa rin ito ayon kay Inton.

Dahil sa tila hostage na nangyari sa labi ng biktima ay umapela si Atty. Inton sa may-ari ng punerarya para gawin namang makatao ang singilan at alalayan ang pamilya ng nasawi.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *