Travel ban sa mga dayuhang biyahero ipatutupad ng BI
Nakahanda na ang Bureau of Immigration (BI) na ipatupad ang resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na nagbabawal sa mga dayuhan na pumasok sa bansa.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang travel suspension ay magiging epektibo sa Lunes, March 22 at tatagal hanggang sa April 21.
Kasunod ito ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 bansa.
Sa ilalim ng alituntunin ng IATF, ang lahat ng Filipino kabilang ang kanilang asawa at mga anak na kasama nilang bibiyahe ay papayagan pa ring pumasok sa bansa.
Papayagan din ang mga diplomat at miyembro ng international organizations, at kanilang dependents.