37 lugar sa Pasig City isinailalim sa granular lockdown

37 lugar sa Pasig City isinailalim sa granular lockdown

Nagdeklara ng granular lockdown si Pasig City Mayor Vico Sotto sa 37 mga lugar sa Pasig City.

Bunsod ito ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa ilang mga bahagi sa lungsod.

Sa bisa ng Executive Order No. PCG-18 series of 2021, inaprubahan ni Sotto ang rekomendasyon ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CHD-CESU), na magdeklara ng granular lockdown sa sumusunod na mga lugar:

BAGONG ILOG
Tatco St.
Flores St.
Santiago St.
Bagong Katipunan
Asedillo St.

BAMBANG
F. Castillo St.
Pio Alvarez St.

CANIOGAN
Col. P. Licsi St.
Rose St., Villa Upeng
Tatlong Bayani St.

DELA PAZ
Poinsettia St., Sonia Subdivision
Karangyaan St., Ph 2A, Karangalan Village

KAPITOLYO
Sta. Teresita St.
MANGGAHAN
Ampalaya St., Napico

MAYBUNGA
158 Westbank Road, Floodway
405 Dr. Sixto Antonio Avenue

ORANBO
204 Hillcrest Circle
PALATIW
M.H. Del Pilar St.

PINAGBUHATAN
2024 Salandanan St.
013 Willa Rey Village
Blk. 23 Kenneth, Eusebio Ave., Nagpayong
Ph2 Blk. 4, Ilugin
M.H. Del Pilar St.

ROSARIO
28 C Ortigas Ave., Ext.
ROTC St.
Bernal St.
130 Dr. Sixto Antonio Ave.
6 Emerald St., Doña Juana

SAN JOAQUIN
Villa Hernandez St.
Villa Tupaz
SAN MIGUEL
Dr. Pilapil

SAN NICOLAS
33 F. Cruz St.

STA CRUZ
Kap Ato St.

STA. LUCIA
1050155 Ave., Soldier’s Village
54 Rosario Village
Blk 1 Lot 5, Tamarind Rd, Summerfield, De Castro

SUMILANG
K. Jabson St.

UGONG
C. Santos St.

Sa ilalim ng granular lockdown, papayagan pa ding lumabas ang mga papuntang trabaho (Authorized Persons Outside Residence) o may emergency.

Gayunman, mas magiging mahigpit ang mga barangay at pulis sa mga nabanggit na lugar at bawal ang mga bisita.

Tatagal ang lockdown hanggang sa April 1 o sa loob ng dalawang linggo.

Payo ni Sotto sa mga residente, kung walang importanteng lakad ay mas mabuting manatili na lang sa mga tahanan.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *