77 tauhan ng MPD nagpositibo sa COVID-19

77 tauhan ng MPD nagpositibo sa COVID-19

Mayroon nang 77 aktibong kaso ng COVID-19 sa Manila Police District.

Kinumpirma ito ni MPD chief Police Brig. Gen. Leo Francisco.

Ayon kay Francisco, karamihan sa mga pulis na tinamaan ng COVID-19 ay mula sa MPD station 11 sa Binondo.

Sa MPD Station 11 pa lamang ay aabot na sa 59 ang aktibong kaso ng COVID-19.

Hanggang sa ngayon ay naka-lockdown pa rin ang naturang istasyon ng pulis.

Gayunman, nagtatalaga ng isa hanggang dalawang pulis para magbantay.

Sinabi naman ni Manila Mayor Isko Moreno na ilan sa mga pulis ng MPD Station 11 na may COVID-19 ay nasa Delpan quarantine faciliy kung saan sila nagpapagaling.

Ang ibang mga pulis lalo na ang closed contacts ng mga positibong kaso, o may sintomas ay ipinasasailalim naman sa swab test.

Sa MPD headquarters naman, halos araw-araw ay nagsasagawa ng fogging/disinfection.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *