Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 122 million na
Umabot na sa mahigit 122 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos hanggang umaga ng Biyernes (March 19) ay 122,355,181 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 543,000 na bagong kaso sa magdamag.
Sa magdamag umabot sa mahigit 87,000 ang naitalang bagong kaso sa Brazil.
Mahigit 62,000 naman ang bagong kasong naitala sa US.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 30,358,880
Brazil – 11,787,600
India – 11,513,945
Russia – 4,428,239
UK – 4,280,882
France – 4,181,607
Italy – 3,306,711
Spain – 3,212,332
Turkey – 2,950,603
Germany – 2,628,629
Samantala, ang Pilipinas ay nasa pang-30 sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso.