NTF binago ang memo kaugnay sa ipatutupad na travel restrictions sa bansa; non-OFWs pwede pa ring umuwi

NTF binago ang memo kaugnay sa ipatutupad na travel restrictions sa bansa; non-OFWs pwede pa ring umuwi

Lahat ng Filipino citizens na nasa ibayong dagat ay maaring makauwi sa Pilipinas sa ilalim ng pag-iral ng travel restrictions hanggang April 22, 2021.

Batay sa revised memorandum circular ng National Task Force Against Covid-19, lahat ng Pinoy, OFWs man o non-OFWs ay papayagang bumiyahe pauwi ng bansa.

Sususpindihin naman muna ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhan.

Epektibo ito alas 12:01 ng madaling araw ng March 22, hanggang April 21.

Exempted naman sa travel ban ang mga sumusunod:

– Mga diplomat at mga miyembro ng international organizations at kanilang dependents.

– Mga dayuhan na isasailalim sa medical repatriation na inindorso ng DFA at OWWA.

– Mga dayuhang seafarers na nasa ilalim ng “green lanes” program para sa crew change.

– Mga dayuhang asawa at anak ng Filipino citizens basta’t kasama nila sa pagbiyahe ang Pinoy.

– Emergency, humanitaryan at iba pang analogous cases na aprubado ng chairperson ng NTF COVID-19.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *