Mahigit 5,200 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; kabuuang kaso sa bansa mahigit 640,000 na

Mahigit 5,200 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; kabuuang kaso sa bansa mahigit 640,000 na

Nakapagtala muli ng mataas na dagdag sa kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay makaraang umabot sa mahigit 5,200 ang nadagdag na bagong kaso ng sakit.

Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Huwebes (March 18), umabot na sa 640,984 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa magdamag, umabot sa 5,290 ang dagdag na mga kaso.

Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 561,530 ang gumaling o katumbas ng 87.6 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 439 na gumaling.

66,567 naman ang active cases o katumbas ng 10.4 percent.

93.3 percent ng mga aktibong kaso ay mild lamang ang sintomas, 3.7 percent ang asyptomatic, 1.2 percet ang kritikal at 1.2 percent dinng severe.

Habang nakapagtala pa ng dagdag na 21 pang pumanaw sa sakit.

12,887 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.02 percent.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *