8 CCTV cameras naikabit na sa Santolan station ng MRT-3
Mas magiging ligtas at panatag na ang biyahe sa MRT-3 kasunod ng pagkakabit ng 18 bagong CCTV cameras sa Santolan station.
Inilagay ang 24-hour CCTV units upang mapanatili ang kaligtasan ng mga pasahero sa istasyon, at maiwasan ang anumang klase ng krimen sa mga nasasakupang lugar ng linya.
Noong nakaraang taon, nakapagkabit na rin ang pamunuan ng kabuuang 84 bagong CCTVs sa North Avenue station, Quezon Avenue station, GMA-Kamuning station, at pinakahuli sa Cubao station.
Sa kabuuan, 102 na ang nailalagay na CCTVs ng pamunuan sa mga istasyon ng rail line.
Bahagi ang pagkakabit ng bagong CCTVs ng malawakang rehabilitasyon ng pamunuan ng MRT-3 sa buong linya, katuwang ang maintenance provider nito na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa Japan.